Kakornihan

Titser: Verb is an action word. Juan, can you give me an example?

Juan: "WENT" ma'am.

Titser: Very good, use it in a sentence.

Juan: Maria Go went to town.

Titser: Wrong! Kung gagamit ka ng "went" wala na yung "go".

Juan: Maam! Yung "go" po apelyedo yan ni Maria, intindihin nyo po kasing mabuti. Ikaw umupo dito, at ako magtuturo!

-------------------------------------------------------------------------------

Marami ng sumuko sa love kasi sa panahon ngayon..

COCONUT OIL na lang ang VIRGIN..

TANGHALI na lang ang TAPAT..

GASOLINA na lang ang NAGMAMAHAL..

IHI na lang ang NAGPAPAKILIG..

MOTOLITE na lang ang TUMATAGAL..

Sa LACTUM ka na lang MAPAPANATAG..

M.LHUILLER na lang ang MAPAGKAKATIWALAAN!

Isa pa, you can only find true love sa SAN MARINO TUNA..

And sa REXONA mo na lang masasabing "IT WON'T LET YOU DOWN!"

-------------------------------------------------------------------------------

Lata ni Lola:

Lola: Ineng palimos naman..

Girl: Lola bakit po dalawa lata nyo?

Lola: Ineng, as a business woman we shud tink on more ways on how to develop our business. That’s why instead of associating the money I got for my daily expenditures, I invested it by putting up another branch.

-------------------------------------------------------------------------------
Classic:

may tatlong babaeng namatay at napunta sa langit...

SAN PEDRO: isa lang ang patakaran dito. wag ninyong tatapakan ang mga palaka. ang parusa ay itatali kayong nakahubad sa isang pangit.

punong-puno ng palaka ang langit. sinubukan ng tatlo na di makatapak.

pagkalipas ng isang araw, nakatapak yung unang babae. kumuha si san pedro ng pangit na lalake at tinali silang dalawa sa isa't-isa.

pagkalipas ng isang linggo, nakatapak yung pangalawang babae. kumuha si san pedro ng mas pangit pa na lalake at tinali silang dalawa sa isa't-isa.
isang taon na ang nakalipas at hindi pa rin nakakatapak ng palaka ang pangatlong babae. pero dumating si san pedro na may dalang sobrang guwapo na lalake. tinali silang dalawa sa isa't-isa at umalis na agad na walang kibo.

BABAE 3: gantimpala ko ba ito? ano kaya ang ginawa kong tama?

GWAPO: ewan ko sayo pero ako nakatapak ng palaka

-------------------------------------------------------------------------------

Wife: Hon, sino si Trixie? 

Husband: Kabayo yun. Yung pinustahan ko sa karera. 

Wife: Ah ganun? Sige sagutin mo telepono! Tumatawag yung kabayo!!!!

No comments:

Post a Comment