At
lumipas ang walang hanggan at dumating na rin ang pinakahihintay mong jeepney
(magsitayo ang lahat para sa standing ovation). Ngunit hindi doon nagtatapos
ang mala-Lord of the Rings na kalbaryo mo. Hindi ka nag-iisa. Nandyan ang mga
swapang na inalisan na ng trabaho si Flash sa sobrang pagmamadali. Late na raw
sila. Pa’no ka na ngayon? Gamitin ang utak at konting tulak. Sa ganitong mga
eksena, dapat maging basketball player ka: [a] gamitin ang katawan bilang
pangharang, screen ang tawag dun; [b] maging pisikal ka, imudmod mo sa kanila
yang siko mong pinahiran ng expired lotion nung paalis ka sa inyo; [c] maging
buwaya ka (nasa sa’yo na yan kung iko-cosplay mo o hindi).
At
sa kasawiang pawis, nakasakay ka rin sa wakas. Ngunit para kang nasa isang can
ng sardinas. Siksikan sa loob at naaamoy mo ang lahat ng uri ng amoy na
maaaring amuyin ng nang-aamoy mong ilong. Napakasaklap na kapalaran. At
humarurot na ulit si manong na tila may date na hinahabol – sa CR. Hindi mo
alam kung matutuwa ka’t madali kang makakarating sa pupuntahan mo o hindi ka na
makakaabot doon dahil malamang patay ka na sa sobrang bilis ng sinasakyan mong
jeepney. Enjoy the ride, ika nga, yan na lang gawin mo.
Oh
sya, sapat na bang pang-intro yan at magsisimula na ako sa ipinunta ko rito sa
harap ng monitor na halatang kulang pa sa tulog at kain? Bakit ka tumawa?
Nagdidiliryo ka na yata. Oh sige, sisimulan ko na.
Ang
susunod na programa ay may tema at eksenang hindi angkop sa mga taong mahihina
ang puso. Patnubay ng doktor ang kailangan.
Hindi
ka Pinoy kung hindi ka pa nakakasakay ng jeepney (jeep, jip, dyip). Maliban sa
mga maharlika na naka-high heels sabay kabit sa gilid ng shoulder bag, wala na
yata (at kung meron man, paki ko?) Seriously, anong paki ko nga? Oh eto naman,
wag kang magdamdam dyan, sinadya ko talaga ulit yun. Maraming kwento na maaari
kong maisulat tungkol sa mga karanasan ko sa loob ng nasabing sasakyan – isa na
ito sa mga iyon. At marami ring mga tao na maaari kong maisulat – isa na rin
ito sa mga iyon, at may labinlima akong naipon dito:
15.
Ang Mga Dakilang Tanga – Sila ang mga tipong biniyayaan ng mga tenga upang
makarinig ngunit hindi man lang maiabot ang pambayad ni manang na tila
ihahampas na sa kanilang mga pagmumukha ang bente pesos na hawak nito. Mayroong
tatlong dahilan kung bakit ganyan sila umasta eh hindi naman mga siga: [a]
malamang naka-earphones, max volume at Slipknot songs ang pinapakinggan; [b]
naka-earphones pa rin, ngunit hindi naman naka-plug sa iPod o cellphone nila,
yung tipong “wala lang, trip ko lang isabit sa tenga ko”. Sila itong mga wala
sa tamang pag-iisip, tanga ika nga; [c] totoong bingi.
14.
The Eyecatchers – ang mga pinagtitripan ng mga stambay sa may kanto habang
naglalakad. Ngunit ang kaibahan, nakasakay na sa jeep. May dalang pamaypay
pansosyal (malamang bente pesos rin lang ang bili nila). Maiksi ang shorts,
makinis ang legs (eh di sana naging legs nalang sila) at pinagpapawisan. Sila
ang mga tipong nakakahulog ng mga mata kapag tinitigan mo ang mga cleavage nila
(eh di sana naging cleavage na rin lang sila).
13.
Call Center Agents – ang mga busy kakadaldal sa cellphone hanggang sa ma-snatch
ito. Nakakatawa at loudspeaker pa. Sila ang mga breed ng mga tao na maaaring
maging live entertainment sa loob ng jeepney (jeep, jip, dyip). Andaming alam,
kulang nalang palitan si Kuya Kim sa kakadaldal hanggang sa maubos lahat ng
pasahero at maubusan ng gasolina si manong na tila pikon na pikon sa walang
hanggang pagbukas ng bibig nila. Oo, may unli call sila.
12.
Laking Rejoice – yung expired. Takpan mo na lang ang sarili mong pagmumukha
kung sila ang makakatabi mo sa loob. Wagas ang paghambalos ng kanilang mga
buhok sa iyong mukha na makakain mo na ito (instant ulam). Kadalasan, hindi
nila alam ang ginagawa nilang krimen. Unahan mo na, bumaba ka na lang.
11.
Tulo-Laway – ang mga aswang. Antok na antok na hahantong sa puntong nagiging
instant unan ang katabi. Kawawang mga nilalang, bakit ba hindi nalang sila
mag-day shift? [a] Nahumaling sa Facebook, Twitter, Tumblr, Skype, Multiply o
ang mga forbidden kingdoms. Na-magnet ang puwet sa upuan kagabi sabay tutok sa
monitor; [b] naghasik ng kasamaan sa kapitbahay (aswang nga, di ba?); [c] mga
totoong call center agents.
10.
LaSWAG – high-level jejemons, tanga in the making. Sila itong may mga hawak na
cellphone (Cherry Mobile, myPhone, o yung mga nabibili na buy one take one sa
E-mall) at career na career ang pagtext (na minsan hindi nakatingin sa screen).
May bago na silang fashion statement: Vanz na cap, skinny jeans at varsity
jacket. Oo, tirik na tirik ang araw at naka-jacket pa rin sila. Mayroon silang
sariling mundo (kaya siguro hindi naiinitan) na kung saan nabibigla ka nalang
sa kanilang pagtawa na hindi mo malaman ang dahilan (baka dahil sa katext).
Sila ang pangalawa sa nakakalimot magbayad.
8. Naked Eyes - yung feeling na may taong wagas na nakatutok sa'yo habang nakasakay ka sa jeepney (jeep, jip, dyip) na parang nakapatay ka ng limang tao, it's them. At hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa kokote ko kung bakit napaka-creepy ng kanilang mga mata. Manong naman, hinay-hinay sa panggugulat minsan ha. Malamang alam nila kung sino ang mga nagbabayad at ang hindi. Sila ang Live CCTV sa loob ng nasabing sasakyan. Hindi na rin ako magtataka kung lalampas man sila sa kanilang pupuntahan - nahiya na ang eyeglasses ko sa kanila.
7. Hairy Potters - ang mga naka-sando. Dahan-dahan nilang isasabit ang kanilang mga murder weapons (braso, exposure ng kili-kiling walang shave ng anim na taon) at kawawa ang katabi (sa amoy, kung hindi nagpahid ng deodorant), ang nasa harapan niya (dahil sa malaswang eksenang kanyang nadatnan sa loob) at ang mga pasaherong nagsisisi na sana nagdala sila ng kahit na anong pamutol ng damo. Sila ang dahilan kung bakit nausong magtakip ang karamihan ng kanilang mga bibig at ilong ng hanky kaya magtaka ka na kung sakaling mangyayari ang karumal-dumal na krimen na ang iyong katabi ay magtatakip ng kanyang ilong at bibig. Alam na yan.
6. Blabbermouths - dalawa o grupo ng mga taong sabay na sumakay sa jeepney (jeep, jip, dyip) at ang tanging pinagkaiba kay #13 ay walang dalang cellphone. Putak nang putak ang kanilang mga bibig na aabot sa puntong na-memorize mo na ang kanilang mga sinasabi. Alam ng lahat ng nasa loob ang kanilang mga pinag-uusapan mula sa nakitang gwapo sa kalye hanggang kay Mickey Mouse. Oo, sa hindi malamang kadahilanan, narating nila ang topic na 'yan.
5. Romeo at Juliet – ang mga pinagdikit ng tadhana, na dahil sa sobrang dikit nila, maaari na silang ma-classify as fraternal conjoined twins. Malupet sila sa romance at love story na manghihinayang ang mga single na nakakasakay nila at magmumurang bakit ang mga pangit lang ang may lovelife. Wala silang pakialam sa mundo, sa katabi, ang nasa harapan, at sa mga musmos na hindi alam kung ganito ba ang nakikita nila sa mga Mexican telenovelas. Punitin mo na ang free movie ticket mong sponsored ng SM, bumili ng popcorn at panoorin ang mumunting pornong ito sa loob ng jeepney (jeep, jip, dyip,).
4. Cashiers – ang mga dakilang konduktor na puhunan ang mala-DJ na mga boses na nagbubulyaw ng “SM! SM!” “Dikit lang po!” “Oh may anim pa!” “Bayad ho sa mga wala pa! Baka nakalimutan niyo lang!” “Oh may bababa!” “May CITOM! Bilis pasok!” “Sukli po nung bente!” “San galing ‘to?!” “Hahaha!” “Ahm!” at iba pa. Minsan hindi nila namamalayan ang mga nagbabayad at ang mga hindi. Magaling sila sa Math, Physics, at Effective Communication. Bakit? Next question, please.
3. Front Sitters – ito ang batch ng mga dominanteng feeling hari at reyna na nakaupo lang naman sa front seat kahit na may sign na nagsasabing “Reserve this seat for disabled passengers”. Kina-classify kaya nila ang kanilang mga sarili na disabled? O di kaya’y trip lang? Next question again, please.
2. Driver Sweat Lover – ang kapitan ng barko! Este ng jeepney pala. Mayroong iba’t – ibang klase ng mga driver pero hindi ko muna ito isusulat dito. Sa kanila nakasalalay ang iyong buhay, allowance, attendance sa class (kung late ka na), at ang namamagang paa nang dahil sa kakalakad.
1. AKO – ang gagong nagsulat sa walang kabuluhang bagay na’to. Lagi kong inoobersabahan ang mga iba’t-ibang klase ng tao sa loob ng jeepney ngunit wag ninyo akong isali sa mga stereotype sapagkat hindi ko kinikilala ang mga tao ayon sa mga klasipikasyon. Oo, may pagkakaiba tayo pagdating sa ugali at pamamaraan ng pamumuhay. Subalit sa pagkakaibang yan, naniniwala akong pantay tayo at hindi dapat nakikilala ayon sa estado ng buhay na kung saan binibilang kung magkano ang nasa bulsa. Pinapakita ng gagong ito ang tipikal na Pilipino – na kahit toyo at kanin nalang ang kinakain sa araw-araw, nagagawa pang ngumiti, katulad mo ngayon. Hindi naniniwala ang gagong ito sa mga salitang mayaman at mahirap – pantay lahat, lalong-lalo na sa loob ng jeepney.
Nice one, sir :))
ReplyDeleteCan't wait for the continuation xD
ReplyDeleteMalapit na po ang continuation :)
DeleteAh, sige. TY :)
DeleteHis humor laughed me out loud :DD
ReplyDelete"Kadalasan, hindi nila alam ang ginagawa nilang krimen" - natawa ako dito. xDD
ReplyDelete"eh di sana naging legs nalang sila" yUn Oh! hahaAha..
ReplyDelete#13, ako yata yan eh! :x
ReplyDeleteSumakit tyan ko ah >.< LOL
ReplyDeleterelate sa #8 :DDD
ReplyDelete